INAGURASYON NG AGONCILLO SUPER HEALTH CENTER


Matagumpay na naisigawa ng ating Lokal na Pamahalaan sa pangunguna ng ating butihing Punong Bayan Atty. Cinderella Valenton-Reyes , Pangalawang Punong Bayan Atty. Daniel D. Reyes at mga miyembro ng Sangguniang Bayan ang inagurasyon ng ating bagong Agoncillo Super Health Center sa Barangay Pamiga.
Tunay na ikinatuwa ng ating mga kababayan ang pagkakataong ito. Gayundin naman ang saya na naramdaman ng mga taga Municipal Health Office na pinangungunahan ni Dr. Richard Landicho sapagkat mas marami na namang kababayan natin ang matutulungan.
Tuloy pa din at matibay ang ating mantra tungo sa Magandang Agoncillo, Magandang Serbisyo Publiko.
0 Comments