BINATA NA SI TAKENG 2024!


575 na mga Takeng ang ganap nang maiituring na binata dahil sa programang βBinata na si Takeng 2024: Operation Libreng Tuliβ.
Ang Programang ito ay magkakasanib na proyekto ng ating Lokal na Pamahalaan sa pangunguna ng ating butihing Mayor, Hon. Atty. Cinderella Valenton- Reyes, Rotary Club of Downtown Lemery, sa pangunguna ng incoming President Mr. Rian de Guzman, RC magical governor Arnold Mendoza at masipag na Engr. Val Villalobos, Los Caballeros Club na pinamumunuan naman ni G. Nestor De Guzman, ng ating Sanguniang Bayan sa pangunguna ni VM Atty. Daniel Reyes at ng ating Primary Care Center sa ilalim ni Dr. Richard Landicho.
Ginamitan ito, katulad ng nakaraang taon, ng makabagong paraan gamit ang cautery machine. Mga lisensyadong doktor, at katulong na mga health care providers ang nagsagawa.
Ang mga BHW naman ang naglista at nangalap ng mga batang magpapatuli. Hindi lamang taga Agoncillo ang naging benepesyaryo, kundi kasama ang ilang mga bata sa karatig bayan.
Tunay ngaβng nasa pagkakaisa at pagtutulungan ang tagumpay ng isang gawain.
0 Comments