Back to back meeting ang dinaluhan ng ating masipag na Mayor, Atty. Cinderella Valenton-Reyes ngayong araw, June 11, 2024.
Una ay sa Protected Area Management Board (PAMB) na ginanap sa conference hall ng Sta. Teresita kaninang umaga. Isa sa mahalagang tinalakay dito ay ang pagtatanggal ng PAMB sa mga illegal na fish cages sa lawa ng Taal.
Pangalawa ay ang pagpupulong ng mga mayors ng lalawigan, League of Municipalities of the Philippines (LMP), na ginanap sa Valentino Resort. Isa naman sa mahalagang tinalakay dito ay ang posibilidad na pag-partner ng BATELEC II sa pribadong korporasyon tulad ng MERALCO upang ma-improve ang serbisyo sa mga konsumidores.
0 Comments