LIBRENG KAPON AT PUGONG KAY BANTAY AT KAY MUNING. 🇵🇭✨






 LIBRENG KAPON AT PUGONG KAY BANTAY AT KAY MUNING.

🇵🇭✨
Kasalukuyang isinasagawa sa ating Municipal Events Center ang programa ng Provincial Veterinary Office katuwang ang tanggapan ng ating Municipal Agriculturist sa pangunguna ni Ma'am Oliva Mirasol.
Nagbigay ang mga nasabing tanggapan ng libreng serbisyo ng pagkakapon at pagpupugong sa mga alaga nating aso at pusa. Marami sa ating mga kababayan ang dumalo at nakiisa kasama ang kanilang mga rehistradong alaga.

Post a Comment

0 Comments