KALAHOK NG HIBLA AT DEBOHO MULA AGONCILLO , ATING SUPORTAHAN 🇵🇭✨






KALAHOK NG HIBLA AT DEBOHO MULA AGONCILLO , ATING SUPORTAHAN

🇵🇭✨
Mga minamahal naming kababayan.
Atin pong sama-samang suportahan ang kinatawan ng ating Bayan para sa ℍ𝕀𝔹𝕃𝔸 𝔸𝕋 𝔻𝔼𝔹𝕆ℍ𝕆, isang Fashion Show na naglalayong maipamalas ang husay at talento ng mga lokal na mananahi sa ating lalwigan. Pagsama-samahan po natin ang Kalahok #1 para maiuwi ang People's Choice Award.
Ipakita ang iyong suporta sa pamamagitan ng pagboto sa kalahok mula sa Agoncillo. Ipakita lamang ang resibo ng inyong pinamili na hindi bababa sa 1000 pesos. 👗
1 resibo = 1 boto
Ang ating kinatawan ay mula sa Brgy. Pook, Agoncillo, Batangas. Siya ang kasalukuyan nating Public Information Officer na si Sir Christian Dave N. Luya. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na lumahok ang ating Bayan sa larangang ito. Kaya naman atin pong suportahan ang ating kababayan.
Umaasa po kami sa inyong suporta, pagmamahal at pakiisa sa pagpapakita ng Talentong tunay na #TATAKAGONCILLO ♥️
Magtungo lamang sa Ground Floor ng SM Lemery at makikita ang PTCAO Exhibit sa pagitan ng Cafe Amazon at Gerry's Grill. Piliin po natin ang Mannequin #1, ang larawang nasa baba na syang kumakatawan sa ating Bayan. Hanggang bukas na lamang po ang pagboto mula 10 ng umaga hanggang alas 9 ng gabi.
MARAMING SALAMAT PO!

Post a Comment

0 Comments