BINATA NA SI TAKING: OPERATION TULI PARA SA MGA KABABAYAN NATING AGONCILLIAN!


Ang ating Lokal na Pamahalaan sa pangunguna ng ating butihing Mayor Atty. Cinderella Valenton-Reyes sa pakikipagtulungan ng incoming President ng Rotary Club of Downtown Lemery na si Mr. Rian de Guzman at Los Caballeros Club na pinamumunuan naman ni G. Nestor De Guzman ay magkakaroon ng Operation Tuli sa darating na ika-14 ng Hunyo 2024 sa ating Gregorio Brotonel Events Center, Poblacion, Agoncillo, Batangas.
Kanina ay isinagawa ang kanilang pagpupulong para sa nalalapit nilang programa. Sa mga nagnanais po na magpatuli, magpalista lang po sa mga BHW ng inyong Barangay.
Ikaw ga ay Supot pa?
MAGPATULI PARA POGI! 

0 Comments