26th Batangas Provincial Scout Jamborette

 




Mayo 2, 2024

Nakiisa sina Mayor Atty. Cinderella Valenton-Reyes, President-elect ng GSP Batangas Council at Vice Mayor Daniel Reyes sa opening ceremonies ng 26th Batangas Provincial Scout Jamborette ngayong araw.
Ginanap ito sa Balayan, Batangas at tinatayang mahigit sa limang libong boy scouts mula sa iba’t ibang munisipyo ng lalawigan ng Batangas ang mga delegado, kasama na ang mga participants mula sa ating bayan.
Sa pahayag ni Mayor Cindy, ang Scout’s Honor ay kinikilala worldwide at ito ay sumisimbolo sa integridad ng mga scouts.
Pormal na tinanggap ni Mayor Emmanuel Fronda II (Balayan) ang lahat ng delegado at bisita, samantalang si VM Jay Ilagan (Mataasnakahoy) bilang Vice President ng BSP Batangas Council ang pormal na nagbukas ng jamborette.
Ang nasabing jamborette ay matatapos sa Mayo 5, 2024.

Post a Comment

0 Comments