POWER INTERRUPTION ADVISORY SA SABADO


SA MGA KINAUUKULANG KASAPI NG KOOPERATIBA.
Nais po naming ipabatid na ang NATIONAL GRID CORPORATION OF THE PHILIPPINES (NGCP) ay magsasagawa ng nakatakdang maintenance para sa kanilang pasilidad. Kaugnay nito, nakatakda ang pagkawala ng serbisyo ng kuryente sa nasasakupan ng BATELEC I sa ika-27 ng Abril 2024 (Sabado) simula Ika-8:00 ng umaga hanggang ika-6:00 ng hapon. Ang mga apektadong lugar ay ang POBLACION at lahat na barangay ng AGONCILLO, BALAYAN, CALATAGAN, CITY OF CALACA, LEMERY, LIAN, NASUGBU, SAN LUIS, SAN NICOLAS, STA. TERESITA, TAAL, at TUY.
Gayundin, ang BATELEC I ay magsasagawa ng kaukulang maintenance activities kasabay ng mga nabanggit na gawain ng NGCP.
Maaari pong ibalik ang serbisyo ng kuryente ng mas maaga kung matatapos kaagad ang nasabing pagawain. Gayunpaman, sakali pong maantala ang pagpapatay o pagbabalik ng serbisyo ng kuryente, hindi po kontrolado ng BATELEC I ang oras na itinakda ng NGCP.
Marami pong salamat sa inyong patuloy na pang-unawa sa ganitong kaabalahan
0 Comments