MAYOR REYES, BAGONG PRESIDENTE NG GSP BATANGAS! 🇵🇭✨
Bukod sa pagiging Presidente ng Provincial Womens Coordinating Council ng lalawigan ng Batangas muli na namang naihalal at kinilala ang ating butihing Mayor Atty. Cinderella Valenton-Reyes bilang bagong Presidente ng Girl Scout of the Philippines Batangas Council para sa triennial 2024-2027 na ginanap kanina sa Batangas City.
Kilala si Mayor Reyes sa kanyang natatangi at aktibong partisipasyon sa Girl Scout of the Philippines. Isinasabuhay nya ang isang tunay na Girl Scout at sya ay isang lider na mapapagkatiwalaan, matapat, matulungin, mapitagan, magalang, matipid, may paninindigan, malinis sa isip, salita at sa gawa.
Congratulations Mayor Cindy!
Ang buong Bayan ng Agoncillo, ang Lokal na Pamahalaan at ang Sangguniang Bayan ay sumasaludo sa inyong kahusayan!
✍🏻| 📷 PIO AGONCILLO
#MagandangAgoncillo
#MagandangSerbisyoPubliko
#ItoAngMayorNamin

0 Comments