Nasungkit ng ating mga kababayan mula Barangay Pansipit at Barangay Pook ang korona bilang Mr. Teen LPU 2024 at Ms. Teen LPU 4th Runner Up 2024 sa isinagawang LPU-B Regional Inter-High School Academic, Skills, and Cultural Competitions (IHSC) kahapon sa Lyceum of The Philippine University-Batangas, Batangas City. Kinilala sina Mr. CHARLES BALASBAS at Ms. RUTH GWYNETH MENDOZA sa kanilang husay matapos magwagi sa patimpalak laban sa mga iba't ibang paaralan sa ating rehiyon.
Ipinakita ng ating mga kababayan ang natatanging galing at karisma ng isang tunay na Agoncillian. Ang mga kababayan nating sina Charles Balasbas ay nagsilbing kinatawan ng Lemery Senior High School at si Ruth Gwyneth Mendoza naman ang kinatawan ng Governor Feliciano Leviste Memorial National High School. Isa pang Agoncillian ang lumahok sa nasabing patimpalak, Si Ms. NICHOLE VILLAVICENCIO mula Barangay San Jacinto na kinakitaan din ng galing bilang kinatawan ng LEMSEHI.
Ang ating Lokal na Pamahalaan sa pangunguna ng ating butihing Punong Bayan Atty. Cinderella Valenton-Reyes, Pangalawang Punong Bayan Atty. Daniel D. Reyes mga kawani at mga miyembro ng Sangguniang Bayan ay nagpapaabot ng pagbati sa inyong nasungkit na tagumpay!
Si Charles ay kapatid na ating Mutya Ng Agoncillo 2023, Katrina Margarett Balasbas. Samantalang si Ruth at Nichole naman ay mag-pinsan. Isang karangalan para sa kanilang mga Pamilya ang nakamtan nilang gantimpala at nagsisilbi silang patunay na ang Husay, Galing, Tikas at Ganda ng bawat Agoncillian ay sadyang kahanga-hanga. ✨
Mabuhay ang Husay ang bawat Agoncillian! ♥️
✍πΌPublic Information Office Agoncillo
π·LPU-Batangas Culture and Arts Office
#MagandangAgoncillo
#MagandangSerbisyoPubliko
#TikasAtGandangAgoncillian

0 Comments