GNG. ELIZABETH MENDOZA, TUMANGGAP NG PAGKILALANG JACINTO MENDOZA.





GNG. ELIZABETH MENDOZA, TUMANGGAP NG PAGKILALANG JACINTO MENDOZA.
Kinilala ng Lokal na Pamahalaan ng Agoncillo ang natatanging kontribusyon ni Gng. Elizabeth Mendoza, Master Teacher mula Banyaga Elementary School sa paglikha niya ng "Himno ng Agoncillo".
Tinanggap ni Ma'am Mendoza ang Pagkilalang Jacinto Mendoza Award, isang parangal para sa mga natatanging Agoncillian. Tinanggap niya ang isang plake kasama ang ating Butihing Mayor Atty. Cinderella Valenton-Reye, Vice Mayor Atty. Daniel Reyes at mga miyembro ng Sangguniang Bayan.
Nasaksikan din ng mga kawani ang kanyang pag-awit ng Himno. Sabi nga ni Mayor Reyes, "Tayo pong lahat ay gumagawa ng paraan para magkaroon ng magandang legasiya, at ang paglikha ni Ma'am Mendoza ay ang legasita niyang mamanahin ng susunod pang henerasyon".
✍🏼| 📷 PIO AGONCILLO

Post a Comment

0 Comments