"SO FAR, THE BEST PO"


Yan ang nasabi ni Sir George Abayari, Adolescent Health and Development Coordinator mula sa CHD IV-A ng makita ang Agoncillo RHU Teen Health Kiosk.
Ngayong araw ay isa ng Certified Child and Adolescent Friendly Health Facility REGIONAL LEVEL 2 ang nasabing THK at naghihintay na lamang para sa National Accreditation. Ito ay nakamit sa pagsisikap ni Dr. Richard B. Landicho, Municipal Health Officer, Nurse Ella Rafaela A. Padua, Adolescent Health and Development Program Manager at ng mga staff ng RHU.
Pumunta sa ating bayan sina Ms. Mary Ann Ermita at Sir George Abayari-AHDP Coordinator mula sa CHD IV-A, Ms. Ma. Kristel Garing-Monitoring and Evaluation Technical Assistant at Sir Rod Anacan-Senior Provincial Technical Officer mula sa USAIDReachHealth. Nagpunta rin sina Sir Gil Burog, Nurse V at Ma'am Ana Liza Abrenica, Nurse VI mula sa PHO.
Ang nasabing Teen Health Kiosk ay may layunin na magbigay gabay, medikal na serbisyo, health education at iba pang programa para sa ating mga kabataan. Ito ang siyang magiging daan para sila ay magkaroon ng kumpiyansa para sa kanilang sarili at magkaroon ng bukas na kaisipan para sa mga mahahalagang bagay na makatutulong sa estado ng kalusugan ng kaisipan.
Patunay ito sa dedikasyon ng ating Pamahalaang Lokal sa pangunguna ni Mayora Cinderella Valenton-Reyes na makamit ng bawat isang kabataang Agoncillians ang pagkakaroon ng magandang kinabukasan sa pamamagitan ng kalusugan pisikal at mental.
0 Comments