SHINE: MAGANDANG AGONCILLO @75!
Papalapit na ng papalapit ang isang linggong puno ng SAYA, PROGRAMA, PALABAS AT KULAY
Mga Kababayan!
Ikaw ga e naririne?
Ay kung wala at nasa malayo ay ika'y umuwi.
Makisaya ka at alam naming ito ay miss na miss mo na!
Inihanda ng ating Pamahalaang Lokal sa Pangunguna ng ating butihing Punong Bayan, Atty. Cinderella Valenton- Reyes, Pangalawang Punong Bayan Atty. Daniel D. Reyes, mga miyembro ng Sangguniang Bayan at bawat kawani ang isang selebrasyong nag-uumapaw sa saya at tunay na magpapakitang "AGONCILLO, KAY GANDA! "
Tampok ang mga pasaya na sadyang kakaiba at tunay na #TatakAgoncillo mula April 1 hanggang April 7, 2024!
Tawagin na din ang Barkada, mga ka-Trabaho at mga karatig Bayan at Probinsya ng kanilang maranasan ang saya at ganda ng minamahal nating Bayan!
Ay papaano? Mag iimpake ka na ga pauwi?
Hinihintay ka na namin!
Parine na sa atin, See you!
0 Comments