PULONG SA PAGITAN NG LGU, AGONCILLO WATER DISTRICT AT PRIMEWATER🇵🇭✨
Nagkaroon ng pagpupulong ang ating butihing Punong Bayan Atty. Cinderella Valenton-Reyes kasama ang ating Municipal Administrator EnP Noel Mendoza sa pamunuan ng Agoncillo Water District sa pangunguna ni Mr. Ric Cabello (General Manager), Prime Water Area Supervisor Engr. Janet Sanchez at ang New Branch Manager Engr. Mark Anthony Balog.
Ipinaabot ng ating butihing Mayor ang ilang hinaing ng mga mamamayan patungkol sa serbisyo tungkol sa tubig. Siniguro naman ni Engr. Sanchez na marami na silang aksyon na ginawa upang maisaayos ang mga linya at sources.
Sa katunayan ay magkakaroon na ng Ground Breaking para sa replacement ng water source sa boundary ng Barangay San Jacinto at Barangay Coral na Munti sa darating na March 22, 2024. Inaasahan na kapag tuluyan ng nagawa ito ay magiging maayos na ang daloy ng tubig sa mahigit limang libong bahay na umaasa sa serbisyo ng Prime Water.
Patuloy ang pagpapatibay ng ating Punong Bayan sa ugnayan ng Pamahalaang Lokal at ating mga stakeholders upang mas mapaganda pa ang serbisyo sa ating publiko tungo sa mas magandang Agoncillo!
#MagandangAgoncillo
#MagandangSerbisyoPubliko
0 Comments