KOMPETISYON NG GINOONG AGONCILLO, NAGSIMULA NA ✨🇵🇭







 KOMPETISYON NG GINOONG AGONCILLO, NAGSIMULA NA

✨🇵🇭
Kasalukuyang isinasagawa sa ating Municipal Events Center ang Closed Door Interview ng mga kalahok ng Ginoong Agoncillo 2024 sa pangunguna ng ating Tourism Officer, Ma'am Charlyn Ann Dela Luna kasama ang Lokal na Pamahalaan ng Bayan ng Agoncillo, katuwang ang RVM Productions.
Sumalang sa mga natatanging tanong ang mga kalahok na ibinigay ng mga kapita-pitagang hurado mula sa iba't-ibang panig ng Probinsya.
Ipinakita ng ating mga Ginoo ang kanilang husay sa pag sagot at paglalatag ng kanilang mga paniniwala at adbokasiya.
Abangan natin ang Talent Night at Casual Wear Competition sa darating na April 5, 2024 at ang pinaka inaabangang koronasyon sa April 7, 2024.

Post a Comment

0 Comments