KUMUSTAHAN SA BARANGAY STA CRUZ
Muling lumahok sa Flag Raising Ceremony ng Barangay Sta. Cruz ang ating lokal na Pamahalaan sa pangunguna ng ating butihing Punong Bayan, Atty. Cinderella Valenton-Reyes, Pangalawang Punong Bayan, Atty. Daniel Reyes kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan at mga masisipag na Department Heads.
Napakaganda ng Programang ito sapagkat nagkakaroon ng pagkakataon ang ating lokal na Pamahalaan na marinig ang boses ng bawat lingkod bayan sa ating mga barangay. Sa paraang ito mas magkakaroon ng konkreto at matibay na plano para sa mga proyekto at programa na isasagawa para sa Mas Magandang Agoncillo, Mas Magandang Serbisyo Publiko.
0 Comments