TARA MAGPAREHISTRO AT TUMAKBO🏃🏻♂️🏃🏽♀️✨
Bilang paghahanda sa nalalapit na ika-75 Taong Pagkakatatag ng ating minamahal na Bayan, Tinatawagan po ng ating Lokal na Pamahalaan ang mga interesadong makilahok sa ating paparating na "Patika-RUN , Takbo para sa Triple K: Kalinisan. Kalikasan. Kagandahan" sa ika-6 ng Abril 2024!
Bukas po, araw ng Martes, ika-6 ng Pebrero 2024 ang unang araw ng pagpapalista sa mga nagnanais na sumali. sa ating Takbuhan.
Maari nyo pong tingnan ang mga susunod na larawan para mabigyang kalinawan ang mga mechanics ng programa. Kalakip nito ay ang kopya ng Registration Form na maaari nyong gamitin sa pagpapa-rehistro.
Sa mga nais pong magparehistro, hanapin lamang po si Ma'am Charlyn Ann Dela Luna (Tourism Officer) sa opisina ng ating Punong Bayan.
Ano pang hinihintay nyo mga kababayan?
Papaiwan ka pa ga?
Aba'y tara, Patika-RUN na!
#MagandangAgoncillo
#MagandangSerbisyoPubliko
#PatikaRUN2024
0 Comments