MABUHAY ANG BAYAN NG AGONCILLO!
Iginawad ng ating Sangguniang Panlalawigan sa pangunguna ng minamahal na Bise-Gobernador Kgg. Jose Antonio S. Leviste II ang resolusyon bilang 1736-B 2023 o ang resolusyon na nagpaabot ng pagbati sa Bayan ng Agoncillo, Batangas na itinaghal na nagwagi sa buong Pilipinas sa ginanap na 2023 Local Legislative Award partikular sa mga bayan na nasa ilalim ng 4th to 5th Class Category.
Ang pagkilala at resolusyong ito ay alay ng ating Lokal na Pamahalaan sa pangunguna ng ating Punong Bayan Atty. Cinderella Valenton-Reyes, Pangalawang Punong Bayan Atty. Daniel Reyes kasama ang mga kasapi ng Sangguniang Bayan at bawat kawani ng Pamalaang Lokal ng Agoncillo sa ating mga minamahal na kababayan.
Para sa Bayan, Para sa bawat Agoncillian!
0 Comments