PAALAM KAP EDDIE!

 



PAALAM KAP EDDIE!

🕊
Ang Lokal na Pamahalaan ng Agoncillo sa pangunguna po ng ating minamahal na Punong, Bayan, KGG. Atty. CINDERELLA VALENTON-REYES, Pangalawang Punong Bayan, KGG. Atty. DANIEL D. REYES, kasama ang mga Miyembro ng Sangguniang Bayan at lahat ng kawani ay nagpapaabot po ng taos-pusong pakikiramay at pakikidalamhati lalo't higit sa buong pamilya at sa mga naiwan ng napakasipag at mabait na dating Ama at Punong Barangay ng Brgy. Pook, Agoncillo, Batangas Kgg. Edgar DM. Carolino.
Sa mga nagnanais po na makiramay sa Pamilya ni Kap Eddie, gaganapin po ang Misa sa kanilang tahanan sa Brgy. Pook, sa ganap na ika-6 ng gabi, araw ng Sabado, (January 06,2024)
Ihahatid po siya sa kanyang himlayan sa araw ng Linggo (January 07,2024) ganap na ika-8 ng umaga. Ito po ay sandaling titigil sa Brgy. Pook Basketball Court para sa Necrological Service at matapos ang Luksang Parangal ay tuluyan na siyang ihahatid sa ENMJ Memorial Park, Brgy. Bagong Sikat, Agoncillo, Batangas.
(Ayon sa facebook post ng kanyang kapatid, G. Eugene Carolino).
Maraming Salamat Kap Eddie, Hanggang sa Muli! 🤍

Post a Comment

0 Comments