KUMUSTAHAN SA BARANGAY: DIREKTANG PAKIKIPAG-UGNAYAN TUNGO SA MAGANDANG AGONCILLO






 KUMUSTAHAN SA BARANGAY: DIREKTANG PAKIKIPAG-UGNAYAN TUNGO SA MAGANDANG AGONCILLO,MAGANDANG SERBISYO PUBLIKO.

🇵🇭
Nakilahok ang ating Lokal na Pamahalaan sa pangunguna ng ating Punong Bayan, Atty. Cinderella Valenton-Reyes, Pangalawang Punong Bayan, Atty. Daniel Reyes, mga miyembro ng Sangguniang Bayan kasama ang ating Municipal Administrator, EnP Noel Mendoza, mga Department Heads at mga kinatawan ng DepEd, DILG, PNP at BFP sa Flag Raising Ceremony ng Barangay Pamiga ganap na ika-7:00 ng umaga ngayong araw.
Matapos ang Flag Ceremony ay nagkaroon ng Kumustahan sa Barangay kasama ang butihing Ama ng Barangay Pamiga, Kgg. Aniceto Macatangay, mga Barangay Kagawad at Barangay Functionaries. Dito ay naglahad ng mga programa ang iba't ibang departamento ng ating Lokal na Pamahalaan. Nagpalitan ng mga mungkahi at mga programa ang bawat isa bilang bahagi ng programa ng ating Mayora, ang "Kumustahan sa Barangay".
Sa ganitong paraan ay mas mapapagtibay natin ang pagkakaisa sa ating bayan, magkakaroon ng Direktang komunikasyon ang mga taga Barangay sa ating mga taga Lokal na Pamahalaan na magiging tulay tungo sa Magandang Agoncillo, Magandang Serbisyo Publiko.
Mabuhay po tayong lahat!

Post a Comment

0 Comments