Naibalik na Po ang Brown Wallet na nahulog sa kalsada kaninang umaga sa Brgy. Mabini




 Malugod Po naming ibinabalita na nakita at naibalik na Po ang Brown Wallet na nahulog sa kalsada kaninang umaga sa Brgy. Mabini, Agoncillo, Batangas na naglalaman po ng 10k cash, ATM Card, Credit Card at Driver's License ni G. Jose "Joel" Alilio Alcazar at ito Po ay nakita at napulot ni G. Benny Pancho (nasa kanan) at naibalik na sa pamamagitan at pakikipagtulungan ni PSMS Christopher Hernandez na ipinaabot at tinanggap naman Po ni G. Teddy Landicho ng Brgy. Pook, (nasa kaliwa) bayaw ni G. Joel Alcazar sa kadahilanang si G. Alcazar Po ay umuwi na ng San Jose, Batangas kasama ang kanyang Pamilya. Nakatakda naman po itong ihatid bukas ni G. Landicho sa kanya.

Mula Po sa pamunuan ng Lokal na Pamahalaan ng Agoncillo, saludo Po kami sa katapatan nyo G. Benny Cho (tubong Bicol at nakapangasawa ng taga Brgy. Mabini) at maraming salamat din Po kay Sir PSMS Christopher Hernandez sa inyong pakikipag-ugnayan sa Magandang Agoncillo Batangas at nagpapaabot Po ng lubos na pasasalamat ang Pamilya ni G. Alcazar sa mga taong naging daan o instrumento kabilang Po ang Tanggapan ng Punong Bayan para muli Po itong maibalik sa kanya .
Mabuhay Po kayo! 🙏👍

Post a Comment

0 Comments