Itinanghal na GRAND WINNER ang SANGUNIANG BAYAN NG AGONCILLO sa katatapos lamang na Local Legislative Awards (LLA), sa 4th to 6th class municipalities.






 Kapapasok lamang na magandang balita!

Itinanghal na GRAND WINNER ang SANGUNIANG BAYAN NG AGONCILLO sa katatapos lamang na Local Legislative Awards (LLA), sa 4th to 6th class municipalities.
Sa mahigit isang libong syudad at munisipyo sa Pilipinas, 58 ang itinanghal na Regional Winners. Kabilang dito ang Agoncillo, Bauan at Batangas City sa CALABARZON, magkakaibang kategorya.
Sa bawat kategorya ay nagtanghal ng tig-3 na national winners.
Sinuportahan ng ating Mayor Atty. Cinderella Valenton-Reyes si Vice Mayor Atty. Daniel Reyes, ang SB Members at si SB Sec. Sheryn Velo sa pagtanggap ng nasabing karangalan. Naganap ito sa World Trade Center, Pasay City, ngayong araw, December 5, 2023.
Tunay na taong bayan ang tagumpay kapag may pagkakaisa. 😊
Magandang Agoncillo, Magandang Serbisyo Publiko.

Post a Comment

0 Comments