SK Mandatory Training nitong ika-11 at 12 ng Nobyembre 2023, sa Municipal Event Center.

 





Masaya, puno ng bagong kaalaman at inspirasyon ang mga bagong halal na SK officials ng Agoncillo!

Ito ay bunsod ng kakatapos lamang na dalawang araw na SK Mandatory Training nitong ika-11 at 12 ng Nobyembre 2023, sa Municipal Event Center.
Bukod sa mga bagong armas nila sa paglilingkod, nagkaroon din sila ng pagkakataon na magkasama sama at makilala ang isa’t-isa.
Ginanap din ang kanilang panunumpa sa katungkulan na pinangunahan ng ating Mayor, Atty. Cinderella Valenton-Reyes.
Sinuportahan din ito ng mga SB members sa pangunguna ni Vice Mayor Atty. Daniel D. Reyes, na isa rin sa naging Resource Speaker para sa nasabing training. Ang ibang mga trainors ay sina Admin Noel Mendoza, Accountant Anabelle Sarmiento, Ms Sherrilyn Talledo, at LGOO Abet Sandoval.
Ang facilitator ay ang ating SKMF Hon. Crissa Deomampo, samantalang ang naging punong abala ay ang ating LYDO Ms Nicole Reyes.
Isa sa habilin ng ating Mayor sa mga bagong lingkod ng bayan ay magkaroon ng integridad, na kahit walang nakatingin ay gagawin nila ang tama dahil sa iyon ang nararapat.
Malaki ang paniniwala ng lokal na pamahalaan na sa pamamagitan ng bagong SK officials na ito, mas magkakaroon ng pagsasabuhay sa “Magandang Agoncillo, Magandang Serbisyo Publiko”.

Post a Comment

0 Comments