OATH Taking Of Newly Elected Officers of Alay Lakad Foundation Inc,

 






“Ituloy ang lakad para sa kabataan” - iyan ang tema ng katatapos lamang na alay lakad ng lalawigan ng Batangas.

Kasabay ng alay lakad ang panunumpa ng mga bagong opisyales at board of trustees ng Batangas Provincial Alay Lakad Foundation, Inc. kung saan nahirang na VICE PRESIDENT ang ating kagalang galang na Mayor Atty. Cinderella Valenton-Reyes.

Nakilahok din sa Miss Alay Lakad ang ating Mutya ng Agoncillo na si Katrina Margarett Balasbas, na sinuportahan ng delegation ng lGU Agoncillo.

Inaasahan na sa pamamagitan ng foundation ay maraming bata ang matutustusan ang pag aaral sa scholarship program.

Kaugnay nito ay magkakaroon ng lokal na alay lakad sa December 7, 2023. Ang lahat ay inaanyayahang makilahok, makiisa at maki-lakad.

#MagandangAgoncillo

#AlayLakad2023

Post a Comment

0 Comments