19th Dayuhan Ride (Bicycle Fun Ride)





 PATALASTAS: Mula Po sa Tanggapan ng Punong Bayan, sa pakikipag ugnayan at imbitasyon Po ng pumunuan ng Batangas Bikers Club (BBC) at Agoncillo Siklista. Ika-12 ng Oktubre, 2023

ANO: 19th Dayuhan Ride (Bicycle Fun Ride)
SINO: lahat Po ng mahilig at gustong sumama, nasa tamang kundisyon Po ang pangangatawan at walang anumang karamdaman
KAILAN: Ika-15 ng Oktubre, 2023 (Linggo)
6:00 ng Umaga hanggang sa matapos Po ang programa na pangungunahan Po ng Batangas Bikers Club at Siklista Agoncillo.
SAAN: sa harap ng Agoncillo Municipal Bldg., Brgy. Poblacion (Assesmbly Point)
MAGIGING RUTA: Tagpuan Po at magsisumula sa harap ng Agoncillo Municipal Bldg. patungong Brgy. Guitna-San Teodoro-Sto. Tomas-Panhulan-Subic Ibaba-Subic Ilaya-Bilibinwang-Banyaga-Barigon-Coral Na Munti-Bagin at panghuli ang Brgy. Poblacion.
Magkakaroon Po ng munting programa sa harap ng Agoncillo Municipal Bldg. pagkatapos Po ng nasabing Fun Ride.
Para Po sa ibang katanungan at paglilinaw,, makipag-ugnayan lamang Po kay Gng. Leah D. Ilagan, BBC President sa Numero Blg. 09662873516 at 09684929302 at sa mga karagdagang impormasyon.
At bilang suporta Po ng ating Lokal na Pamahalaan ng Agoncillo nakaalalay at nakaantabay Po ang ating Agoncillo PNP, Agoncillo MDRRMO at Agoncillo RHU para sa ligtas at maayos na daloy ng nabanggit na Bicycle Fun Ride.
Maraming Salamat Po!

Post a Comment

0 Comments