Maagang nagsipulas ang ating mga naghahangad manungkulan sa Barangay ay Sanguniang Kabataan elections para makilahok sa isang Unity Walk.







 September 16, 2023

Maagang nagsipulas ang ating mga naghahangad manungkulan sa Barangay ay Sanguniang Kabataan elections para makilahok sa isang Unity Walk.
Kasunod nito ay ginanap ang programa kung saan ipinaliwanag ng Comelec at ng PNP ang magahalagang alituntunin ukol sa nalalapit na halalan.
Nagsalita rin ang ating Vice Mayor Daniel Reyes. Binigyang diin niya ang pagiging sport. Pinaala-ala niya na dapat handang manalo at handa rin ang loob sa pagkatalo. Hinamon din niya ang mga hindi papalarin na huwag tumigil sa paggawa ng mabuti para sa barangay.
Gayundin, nagpaalaala ang ina ng ating bayan, na ang mga nanunungkulan ay sila dapat huwaran. Ang mga opisyales ang dapat na maunang sumunod sa mga batas at panuntunan. Sinabi rin niya na maliban sa ilang pangunahing tungkulin ay ang pagpapanatili ng katahimikan at kaayusan ng barangay.
Kabilang sa pumirma para sa peace covenant sina Pastor Ernie, si Rev. Fr. Bert Cabrera, MLGOO Alberto Sandoval.

Post a Comment

0 Comments