Kasalukuyang ginaganap ang regular na pagpupulong at pagsangguni para sa Municipal Anti Drug Abuse Campaign (MADAC)






 Kasalukuyang ginaganap ang regular na pagpupulong at pagsangguni para sa Municipal Anti Drug Abuse Campaign (MADAC) na pinangunahan ng ating Kapulisan sa pangunguna ng ating Hepe ng Pulisya, PMajJohn Leo P Cuasay katuwang ang ilang kinatawan at tagapagsalita ng Batangas PPO at ng ating masipag, minamahal at butihing Punong Bayan, KGG. Atty. CINDERELLA VALENTON REYES kasama ang mga Punong Departamento ng ating Lokal na Pamahalaan, Liga ng Mga Barangay at ibang Organisasyon/Sektor at dito tinatalakay ang mga bagay at iba pang pamamaraan at pagpapatupad para sa patuloy na kapayapaan at seguridad sa ating bayan.

Layon din ng nasabing kunsultasyon ang maayos na kumunikasyon at ugnayan sa ating 21 Barangay sa pamamagitan ng pagkakaisa at pagtutulungan upang lalo pang mapaigting ang kampanya laban sa ipinagbabawal na gamot o droga. Ginaganap sa Agoncillo Event Center ngayong Ika-10 ng Agosto, 2023

Post a Comment

0 Comments