Paunawa Po sa publiko at sa ating mahal na mga motorista: Ika-9 ng Hulyo, 2023





 Paunawa Po sa publiko at sa ating mahal na mga motorista: Ika-9 ng Hulyo, 2023

Maagap Po naming ipinapaalam sa ating mga kababayan na simula Po mamayang Ika-1:00 hanggang Ika-6:00 ng Hapon ay pansamantala Po munang isasara ang Agoncillo-Laurel Circumferential Road partikular sa Barangay Bangin (Simula Poblacion-Bangin Bridge hanggang Coral Na Munti-Bangin Bridge Kulafu Side) upang bigyang daan ang gaganaping "KARERA DE PASO" handog ng Los Caballeros Club.
Pinapayuhan Po ang lahat na gamitin ang alternatibong daan sa may kanto ng Barangay Poblacion (Palawan Pawnshop) pakanan papuntang Barangay Pamiga hanggang Coral Na Munti labas Po ng papuntang Barangay Sta. Cruz o di kaya naman Po ay sa Barangay Pansipit-San Nicolas Bridge.
Kaagapay po natin ang ating mga mahal na Barangay Officials, Barangay Tanod, Agoncillo BFP, Agoncillo PNP at Agoncillo MDRRMO para sa maayos na daloy ng trapiko.
Hinihingi Po namin ang inyong malawak na pang-unawa at kooperasyon.
Maraming Salamat Po

Post a Comment

0 Comments