Gold Medallist!!!-Softball Players mula sa Subic Elementary School

 





Gold Medallist!!!

Isa na namang malaking karangalan ang nakamit ng ating mga Softball Players mula sa Subic Elementary School, na ngayon ay nagrerepresent sa Region IV-A (CALABARZON) sa Pre-National Qualifying Meet, Cluster 2. 👍
Nakalaban ng ating koponan ang mga manlalaro ng NCR (July 4) at Bicol Region (July 5) kung saan pareho nilang napagtagumpayan. Dahil dito sila ay tuloy na tuloy na sa Palarong Pambansa na gaganapin sa Marikina City. 🫶
Buong buo ang suporta ng ating LGU. Personal na nagpunta at nanood ng laro ang ating butihing Mayor, Atty. Cinderella Valenton-Reyes, bagamat napakaaga ng laro. Kasama rin ang presidente ng Supreme Elementary Learners Government (SELG) Agoncillo Sub Office na si Dan Gabriel V Reyes. ❤️
Hats off 🎩 rin para kina Coach Pedro D. De Sagun, Asst. Coach Rosemarie C. Del Mundo,
Chaperon Evelyn D. de Leon, Trainor-Restituto D. Cabrera sa mga magulang at buong Deped Agoncillo sub office sa pangunguna ni Dr. Ginalyn U Macaraig, para sa tagumpay na ito. 👏🏼

Post a Comment

0 Comments