Tapat sa pangako ang League of Municipalities of the Philippines (LMP) Batangas Chapter

 





Tapat sa pangako ang League of Municipalities of the Philippines (LMP) Batangas Chapter.

Matatandaan na nagkaroon ng regular na pagpupulong ang LMP dito sa ating bayan noong June 13, 2023. Isa sa napagkaisahan ng samahan, bilang kanilang proyekto ay ang pagbibigay sa 3 bayan na lubhang apektado ng Vog o Smog mula sa Bulkang Taal ng tulong.
Kagabi nga ay ipinagkaloob na ito sa 3 bayang beneficiaries - Agoncillo, Talisay at Laurel. Tinanggap ito ng ating butihing mayor, Atty. Cinderella Valenton-Reyes.
Ngayong umaga ay itinurn-over ang 8 kahon na naglalaman ng iba’t-ibang gamot sa ating Rural Health Unit, na pinapangunahan ni Dr. Richard Landicho.
Ang pondong ginamit dito ay hati mula sa LMP Batangas at sa Pangulo nito na si Mayor Ven Patron.

Post a Comment

0 Comments