PARA PO SA KAALAMAN NG ATING MGA KABABAYAN: Ika-8 ng Hunyo, 2023






 PARA PO SA KAALAMAN NG ATING MGA KABABAYAN: Ika-8 ng Hunyo, 2023

Base po sa rekomendasyon at napagkasunduan sa naganap na pagpupulong sa pangunguna po ng ating mahal na Punong Bayan, KGG. Atty. CINDERELLA VALENTON-REYES katuwang ang ating Pangalawang Punong Bayan, KGG. Atty. DANIEL D. REYES, MDRRMO, PNP, BFP, DepEd, Rural Health Unit, Liga ng mga Barangay, MSWDO at Tanggapan ng Agrikultor ay maagap pong ipinababatid sa ating mga kababayan lalo't higit ay sa ating mga magaaral na suspendido po muna ang In-Person (Face to Face ) Classes sa ating mga paaralan sa lahat ng antas (Pribado o Pampubliko) dito sa ating Bayan ng Agoncillo simula bukas, Ika- 9 ng Hunyo, 2023 bunsod po ng nararanasan nating Vog/Smog na nagmumula sa Bulkang Taal.
Mas mainam po na ipagpatuloy po natin ang ating mga klase sa alternatibong pamamaran tulad ng Online o Modular Classes at magpapatuloy po ang koordinasyon ng ating Lokal na Pamahalaan sa iba pang mga ahensya lalo't higit ay sa Phivolcs upang patuloy na ma-monitor ang kalagayan at estado ng bulkan para sa maagap na impormasyon at para sa kaligtasan ng lahat.
Pinapayuhan din po ang lahat na huwag munang lumabas ng bahay kung hindi importante o kinakailangan upang maiwasan ang di magandang dulot nito sa ating katawan higit sa ating kalusugan at ugaliin po nating magsuot ng Face Mask bilang proteksyon po nating lahat.
Manatili po tayong alerto at mapagmatyag manalangin at magiingat.
Maraming Salamat Po.

Post a Comment

0 Comments