Nakilahok ang ating bayan sa katatapos lamang na ikatlong yugto ng KLABARZON town hall meeting na ginanap sa Shercon Resort, Mataasnakahoy, Batangas, kahapon June 19, 2023.






 Nakilahok ang ating bayan sa katatapos lamang na ikatlong yugto ng KLABARZON town hall meeting na ginanap sa Shercon Resort, Mataasnakahoy, Batangas, kahapon June 19, 2023.

Ang nag-convene ng nasabing pagpupulong ay ang Batangueñong Caviteño na si Sen. Francis “Tol” Tolentino. Ang layunin nito ay personal na bumaba ang senador at ang mga matataas na pinuno ng iba’t-ibang ahensya ng national government para sila na mismo ang makipag-ugnayan sa mga mamamayan sa pamamagitan ng mga local chief executives.
Layunin nila na maibaba ang mga programa at mai-align sa pangangailangan ng rehiyon. Pakay din na matulungan ang mga mamumuhunan na tumugon sa kailangan ng mga manggagawa.
Kasama ng Senator si Secretary Bienvenido Laguesma ng DOLE, at ilang mga key officials ng naturang ahensya sa mahahalagang clusters.
Naroon din ang Provincial / Regional Directors ng iba’t-ibang ahensya, katulad ng DOST at NHA.
May mahahalaga ring bagay na diniscuss ng National Housing Authority representative para sa mga bayan na naapektuhan ng pagputok ng Taal Volcano.
Malaki ang ambag ng Region IV-A kung san kabilang ang Agoncillo sa pambansang ekonomiya.
Naroon din ang Representative ng Ikatlong Distrito, Kgg. Congresswoman, Ma. Theresa "Maitet" Collantes.
Isa ang ating masipag na Punong Bayan, KGG. Atty. CINDERELLA VALENTON-REYES sa 12 Mayors na personal na dumalo sa nasabing forum.

Post a Comment

0 Comments