Isa na namang karangalan ang iniuwi ng ating isa sa mga tunay na maipagmamalaking kababayan mula sa Barangay Pook na si G. JUSTINE JOHN HALUP ROSALES




 Isa na namang karangalan ang iniuwi ng ating isa sa mga tunay na maipagmamalaking kababayan buhat sa Barangay Pook na si G. JUSTINE JOHN HALUP ROSALES. Nakamit niya ang mga karangalan: Most Home Runs, Best Slugger at Season's Most Valuable Player sa katatapos lamang na UAAP Season 85 Men's Baseball Tournament 2023 dala ang pangalan ng kanyang paaralan, University of Sto. Tomas.

Ginanap sa UP Diliman Baseball Field, Quezon City nitong nakaraang ika-21 ng Abril, 2023.
Ang pamunuan ng LGU Agoncillo sa pangunguna ng ating minamahal nating Mayor KGG. Atty. CINDERELLA VALENTON REYES, Vice Mayor KGG. Atty. DANIEL D. REYES kasama ang mga Miyembro ng Sangguniang Bayan at lahat ng mga Kawani ay sumasaludo sa iyong talento, husay at galing. 👏🏼
Maraming salamat sa karangalan at inspirasyon mong hatid para sa ating mga kababayan lalo sa mga kabataan at Mahal na Bayan ng Agoncillo.
Bilang ang Sports ang isa sa prayoridad ng ating Mahal na Punong Bayan at Pangalawang Punong Bayan ay buo ang kanilang suporta sa anumang uri ng palakasan at patuloy Po tayong magtulungan upang makatuklas pa ng mga mahuhusay at magagaling na manlalaro sa kani-kanilang mga larangan na tunay nating maipagmamalaki at patuloy na magaangat sa pangalan at bandila ng ating Bayan.
Mabuhay ang mga manlalarong Agoncillians at Mabuhay ang ating Mahal na Bayan ng Agoncillo! 🫶

Post a Comment

0 Comments