Ang pamunuan Po ng Lokal na Pamahalaan ng Agoncillo sa pangunguna po ng ating minamahal at butihing Punong Bayan, KGG. Atty. CINDERELLA VALENTON REYES katuwang ang ating mahal na Pangalawang Punong Bayan, KGG. Atty. DANIEL D. REYES

 




Ang pamunuan Po ng Lokal na Pamahalaan ng Agoncillo sa pangunguna po ng ating minamahal at butihing Punong Bayan, KGG. Atty. CINDERELLA VALENTON REYES katuwang ang ating mahal na Pangalawang Punong Bayan, KGG. Atty. DANIEL D. REYES kasama ang mga Miyembro ng Sangguniang Bayan, mga Kawani at ng ating Municipal Tourism Officer, Gng. Charlyn Ann C. Dela Luna ay nagpapaabot Po ng Taos-Pusong Pasasalamat sa lahat nating mga kababayan na naglaan, nagbigay ng panahon at tumulong sa isang linggong selebrasyon ng ating 74th Founding Anniversary.

Muli po ang taos pusong pagbati sa ating mga naging Sponsors at Donors sa Mutya ng Agoncillo 2023.
Hindi Po magiging posible ang lahat ng ating ginanap na pagdiriwang kung hindi dahil sa pagtutulungan, pagsusumikap at pagkakaisa nating lahat. 🥰👏🏼
Umasa Po kayo na lalo pa Po nating pagiibayuhin at paghuhusayan ang mga susunod nating mga programa at aktibidad na makakatulong at makakapagpasaya sa mga susunod pang mga taon ng pagdiriwang para sa kagalingan at kapakanan ng ating mga Kababayan.
Muli, Maraming, Maraming Salamat Po sa inyong Lahat. 💖

Post a Comment

0 Comments