Nagbigay ng tulong pinansyal ang ating mahal na Punong Bayan at Pangalawang Punong Bayan

 




Nagbigay kurtesiya sa ating mabait at masipag na Punong Bayan, KGG. Atty. CINDERELLA VALENTON REYES ang ating 67 na manalalaro mula sa ating mahal na Bayan ng Agoncillo ang mga estudyante na silang magiging delegado ng ating Probinsya ng Batangas katuwang ang ating masisipag na Coaches mula sa DepEd Agoncillo District para sa gaganaping 2023 Southern Tagalog CALABARZON Athletic Association Regional Meet na gaganapin sa Dasmariñas City, Imus City at Cavite City simula Ika- 24-26 ng Marso, 2023, Ika-1-2 ng Abril, 2023 at Ika-15-16 ng Abril, 2023.

Bilang suporta sa ating mga magigiting na manlalaro ay nagbigay ng tulong pinansyal ang ating mahal na Punong Bayan at Pangalawang Punong Bayan para sa kanilang mga pangangailangan sa darating na kumpetisyon.
Ang nasabing STCAA at lalahukan ng ating manlalaro buhat sa iba't-ibang paaralan sàkop ng ating bayan.
Women's Softball-Elementary & Secondary
Men's Baseball-Secondary
Men's Volleyball-Secondary
Women's Table Tennis-Elementary
Men's Table Tennis-Secondary
Dasal nating lahat na makamit ang tagumpay para sa ating mahal na Bayan at Lalawigan.

Post a Comment

0 Comments