Batangas Kite Festival





Paanyaya para sa ating mga Kababayan:

Ang Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas sa pangunguna po ng ating mahal na Gobernador, Kgg. Hermilando I. Mandanas sa pamamagitan ng Provincial Tourism Office at pakikipag ugnayan sa ating Municipal Tourism Office ay nagaanyaya sa ating mga kababayan na mahilig gumawa at magpatayog ng Saranggola, ito na po ang pagkakataon ninyo na ipakita at ipamalas ang galing at telento sa gaganaping Batangas Kite Festival sa darating na Ika-16 ng Abril, 2023 sa Batangas Sports Complex, Brgy. Bolbok, Batangas City.
Maaari po kayong manalo ng mga papremyo at maguwi ng halagang:
1st Placer-Php 10,000.00
2nd Placer-Php 7,000.00
3rd Placer-Php 5,000.00
Sa mga interesado pong lumahok sa nabanggit na patimpalak at para po sa inyong mga katanungan o paglilinaw, makipag ugnayan lamang po kayo sa ating Municipal Tourism Officer, Ms. Charlyn Ann Carolino Dela Luna na matatagpuan sa 2nd Flr., Municipal Building mula Ika-8:00 ng umaga hanggang Ika-5:00 ng hapon.
Maraming Salamat Po.

Post a Comment

0 Comments