Pagbabawal Mangisda Ng Isdang Tawilis

 



Para Po sa Kaalaman ng Lahat:

Mula po sa Lokal na Pamahalaan ng Agoncillo sa pakikipag ugnayan po ng DENR Region IV-A PAMB-TVPL at sa pamamagitan ng Tanggapan ng Pambayang Agrikultor, ipinapaala ang taunang pagpapatupad ng PAMB ng TAWILIS CLOSED SEASON tuwing ika-1 ng Marso hanggang ika-30 ng Abril.

Inaabisuhan muli ang publiko na pansamantalang ipinapatigil at/o ipinagbabawal ang paghuli/panghuhuli (aktibo o di-aktibo), pagbebenta, pagkalakal, pakikipagtransaksyon, pagbiyahe o pagdadala sa mga pamilihan at iba pang transaksiyon na may kaugnayan sa kalakalan ng Tawilis sa panahong umiiral ang Closed Season.

Gayundin, hinihikayat ang publiko na huwag tangkilikin ang mga Tawilis na nahuli sa ilegal na pamamaraan at maging mapagmatyag at agad ipagbigay alam sa mga kinauukulan ang nakita at/o nasaksihang paglabag

Inaasahan po namin ang inyong mahigpit na pagsunod sa polisiyang ito para sa ikabubuti, ikauunlad at pagpapanatili ng produksyon at/o populasyon ng Tawilis sa Lawa ng Taal.

Maraming Salamat Po.

Post a Comment

0 Comments