Pag bibigay ng maayos na tapunan ng basura

 









Para Po sa Kaalaman ng Lahat:

Matapos ang ilang konsultasyon at pagpupulong, sa pangunguna ni Mayor Atty. Cinderella Valenton-Reyes, Vice Mayor Daniel Reyes at Admin Noel Mendoza, tinanggap ng ating LGU Agoncillo ang mini bioreactor.

Makikita sa larawan na iyo ay dinala at inilagak sa ating palengke upang ang mga biodegradable na mga basura kagaya ng hasang at bituka ng isda ay dito ilagay. Sa pamamagitan ng makinang ito at ng enzyme ay maaaring maging natural na pataba ng lupa ang lalabas na bi-product.

Inaasahan na mayroong darating pang donasyon na mas malaking bioreactor para sa ating Material Recovery Facility, galing sa Japan. Project Design Masakuni Company of Hiroshima Japan headed by Masakuni  Oue and Philippine counterpart Andy Cullar.

Kasabay nito ay nag-donate din si G. Cullar ng ilang galon na alcohol na gawa sa kanyang kumpanyang DEFENCE.

Post a Comment

0 Comments