Pormal na isinagawa ang Turn-Over Ceremony ng nalikom na pondo ng Batangueñong Grupo sa Sining at Kultura (BAGSIK) mula sa isinagawang 1st Magandang Agoncillo Art Exhibit noong nakaraang December 3-9, 2022.
Nagkakahalaga ng Php 260,570.00 ang ipinagkaloob sa school-beneficiary Coral na Munti Elementary School, at tinanggap ni Gng. Marcelina Hernandez, punong guro.
Ibinahagi ni Gng. Hernandez ang taos-pusong pasasalamat sa BAGSIK at sa Lokal na Pamahalaan ng Agoncillo para sa Joint Project na ito, at sinabing ang pondo ay nakalaan sa pagsasaayos ng silid aralan ng Baitang 1.
Ang nasabing paaralan ay isa sa lubhang naapektuhan ng pagputok ng Bulkang Taal.
Ang simpleng Turn Over Ceremony ay dinaluhan ng ating butihing Punong Bayan, KGG. Atty. CINDERELLA VALENTON-REYES kasama ang ating mahal na Pangalawang Punong Bayan, KGG. Atty. DANIEL D. REYES at mga Miyembro ng Sangguniang Bayan, District Supervisor, Dra. Ginalyn U. Macaraig, mga Guro, PTA Officers at Opisyales ng Barangay. (December 21, 2022)
0 Comments