Pailaw sa Agoncillo







Para Po sa Kaalaman ng ating mga Kababayan:
Mula po sa ating Lokal na Pamahalaan sa pangunguna po ng ating minamahal, masipag at butihing Punong Bayan, KGG. Atty. CINDERELLA VALENTON-REYES katuwang ang ating mahal na Pangalawang Punong Bayan, KGG. Atty. DANIEL D. REYES kasama ang mga Miyembro ng Sangguniang Bayan at mga Kawani ay malugod na ipinapaalam na sa Ika- 22 at 23 ng Disyembre, 2022 ay magiging "LIBRE" po ang pagsakay sa ating Kalesa sa Pailaw simula Ika-6:00 ng hapon hanggang Ika-9:00 ng gabi.
At bilang paggunita sa pagsilang ng ating mahal na Panginoong Hesukristo, sa araw ng kapaskuhan, kung saan ang tunay na diwa ng ating pagdiriwang ay ang pagmamahalan at pagbibigayan, sa darating na Ika-24 ng Disyembre, 2022 po naman ay magkakaroon po ng "GIFT GIVING" para po sa ating mga bata dito po sa harap ng ating munisipyo (Pailaw sa Agoncillo) sa kagandahang loob pa rin po ng ating minanamahal na Punong Bayan at Pangalawang Punong Bayan kasama ang kanilang Anak na si DAN GABRIEL REYES.
Maraming Salamat Po.




Post a Comment

0 Comments