Pagbubukas at pagpapailaw sa buong paligid ng Kapitolyo







 Dumalo at nakiisa ang ating masipag at minamahal na Punong Bayan, KGG. Atty. CINDERELLA VALENTON-REYES sa pagbubukas at pagpapailaw sa buong paligid ng Kapitolyo bilang paghahanda at pagsalubong sa darating na kapaskuhan sa Lalawigan ng Batangas na pinangunahan ng ating minamahal na Gobernador, Kgg. Hermilando I. Mandanas na dinaluhan din ng mga Punong Bayan at Pangalawang Punong Bayan ng iba't-ibang munisipalidad.

Kaugnay at kaalinsabay din nito ang pag anunsyo ng mga nanalo sa ginanap na Inter-LGU Parol Making Contest ng Lalawigan at sa kabutihang palad ay nagwagi po ang ating munisipalidad at nakuha ang ikatlong pwesto.
Kasama ng ating mahal na Punong Bayan sa pagtanggap ng tropeyo at gantimpala ang ating mahal na Sangguniang Bayan Members na sina Kgg. Sarah Pauline S. Mendoza, SKMF President, Kgg. Crissa Holgado Deomampo at Gng. Charlyn Ann C. Dela Luna, Municipal Tourism Officer.
Ginanap ang seremonyas noong Ika-5 ng Disyembre, 2022.

Post a Comment

0 Comments