Muling Ginawaran ng Pagkilala ang ating Lokal na Pamahalaan ng Agoncillo sa pamamagitan ng Mswd Agoncillo ang Seal of Child-Friendly Local Governance 2019







 Muling Ginawaran ng Pagkilala ang ating Lokal na Pamahalaan ng Agoncillo sa pamamagitan ng Mswd Agoncillo ang Seal of Child-Friendly Local Governance 2019 na ipnagkaloob ng Provincial Social Welfare and Development Office sa pangunguna ni Gng. Jocelyn Montalbo, RSW at ng ating butihing Gobernador ng Lalawigan ng Batangas, Kgg. Hermilando I. Mandanas kaalinsabay ng pagdiriwang ng National & Provincial Children's Month 2022 na dinaluhan at tinaggap ng ating mahal na Pangalawang Punong Bayan, KGG. Atty. DANIEL D. REYES bilang kinatawan ng ating mahal na Punong Bayan, KGG. Atty. CINDERELLA VALENTON-REYES, Kgg. Sarah Pauline S. Mendoza, Sangguniang Bayan Member at ni Gng. Josalyn C. Cortez, MSWDO at kanyang mga Staff.

Kaugnay at kaalinsabay din po ng pagdiriwang ng Provincial Children's Month na may Temang; "Kalusugan, Kaisipan at Kapakanan ng Bawat Bata, ating Tutukan" ang pagawad at pag-anunsyo ng mga nagwagi sa ginanap na Tiktok Content Awareness Contest at tumanggap ng plake at insintibo, itinanghal bilang 2nd Place ang kinatawan ng ating bayan na si Isiah Lei Moreno, 11 taong gulang mula sa Brgy. Banyaga at kasalukuyang nag-aaral sa Banyaga Elementary School ganun din po ang Digital Poster Making Contest at tumanggap din ng plake at insintibo, itinanghal din bilang 2nd Place ang kinatawan din ng ating bayan na si Lord Kristoff M. Aala, 15 taong gulang mula naman sa Brgy. Pook at kasalukuyang nag-aaral sa Agoncillo College, Inc.
Ginanap ngayong Ika-10 ng Disyembre, 2022 sa Regina R. Mandanas Memorial Dream Zone, Provincial Capitol, Site, Batangas City.

Post a Comment

0 Comments