Malugod po namin kayong iniimbitahan lalo't higit ang mga kabataang may edad 6-12 taong gulang (Lalaki at Babae) na may potensyal o hilig sa larong Softball at Baseball.





 Para Po sa Kaalaman ng ating mga Kababayan:

Malugod po namin kayong iniimbitahan lalo't higit ang mga kabataang may edad 6-12 taong gulang (Lalaki at Babae) na may potensyal o hilig sa larong Softball at Baseball.
Magkakaroon po ng libreng Clinic sa darating na Ika-11 ng Disyembre, 2022 araw ng Linggo na gaganapin po sa Collantes Softball Field sa Brgy. Pansipit, Agoncillo, Batangas simula 8:00 ng umaga hanggang 4:00 ng hapon.
Layon po ng magiging aktibidad na ito na makatuklas at makabuo ng mga kabataang may talento, husay at kakayanan pagdating sa larong Softball at Baseball sa buong suporta ng ating Lokal na Pamahalaan ng Agoncillo sa kabutihang loob ng ating masipag at minamahal na Punong Bayan, KGG. Atty. CINDERELLA VALENTON-REYES, Pangalawang Punong Bayan, KGG. Atty. DANIEL D. REYES kasama ang mga Miyembro ng Sangguniang Bayan at mga Kawani kung saan isa sa mga programa at prayoridad ang Sports sa ating bayan at sa pamamagitan at pakikipagtulungan ng ating masipag na Municipal Sports Coordinator, Engr. Serafin L. Enriquez, Coach Apol Rosales at Mr. Kunufuni Itakura, Japanese National Consultant at Baseball International Philippines.
Para po sa mga katanungan at paglilinaw, mangyari po lamang na makipag-ugnayan po tayo kay Engr. Cesar at Coach Apol para sa iba pang mga detalye.
(At kung sakali man po na hindi magiging maganda ang lagay at taya ng panahon sa nabanggit na petsa at araw, nakahanda po ang ating Plaza Elena Covered Court bilang pangalawang opsyon at lugar na pwedeng pagdadausan ng nasabing clinic)
Maraming Salamat Po.

Post a Comment

0 Comments