Ipinapaalam sa ating mga motorista na pansamantala pong isasarado ang daan na magmula po sa kanto ng Palawan Pawnshop, Brgy. Poblacion papuntang Barangay Hall ng Brgy. Pamiga






 Para Po sa Kaalaman ng Lahat:

Sa kahilingan po ng pamunuan ng Agoncillo College, Inc. ay ipinapaalam sa ating mga motorista na pansamantala pong isasarado ang daan na magmula po sa kanto ng Palawan Pawnshop, Brgy. Poblacion papuntang Barangay Hall ng Brgy. Pamiga upang bigyang daan ang inaasahang dami ng mga kababayan nating manunuod at ang mga sasakyan na paparada sa gaganaping concert bilang bahagi po ng pagdiriwang ng Ika-73 Taong Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Agoncillo College, Inc. na gaganapin sa ACI Grounds Campus sakop ng Brgy. Pamiga, Agoncillo, Batangas bukas, Ika-20 ng Disyembre, 2022 araw ng Martes simula Ika-4:00 ng hapon hanggang Ika-2:00 ng madaling araw.
Makikita po sa larawan ang mga alternatibong daan o ruta bilang ating gabay para po sa ating mga motorista na dadaan papasok at palabas ng Brgy. Pamiga.
Nakaalalay po ang ating mga Barangay Tanod ng Brgy. Poblacion at Brgy. Pamiga kaagapay ang ating mga Kapulisan at Crisis and Disaster Response Team (CDRT)-Agoncillo MDRRMO para po sa organisado at maayos na daloy ng trapiko.
Maraming Salamat Po.

Post a Comment

0 Comments