COVID-19 UPDATE AS OF DECEMBER 12,2022





 Para Po sa Kaalaman ng Lahat: Ika-12 ng Disyembre, 2022

Ikinalulungkot po naming iulat sa inyo na mayroon po ulit tayong isa ( 1 ) na bagong kaso na nagpositibo sa Covid 19, (Case No. 697), Lalaki, 80 years old, residente ng Brgy. Bangin base po sa naging resulta sa isinagawang Test sa kanila noong nakaraang Ika - 11 ng Disyembre, 2022.
Patuloy na rin po ang ginagawang Contact Tracing para sa iba pang mga nakasalamuha ng nasabing pasyente upang sila ay matunton at agarang mabigyan ng atensyong medikal ng ating Lokal na Pamahalaan ng Agoncillo.
Sa kasalukuyan po ay may isa ( 1 ) po tayo na Active Case ng Covid-19 sa ating bayan at patuloy pa rin po tayong manalangin para sa kanilang agarang paggaling.
Manatili pa rin po muna tayo sa ating mga tahanan kung wala naman mahalaga at importanteng pupuntahan.
Ugaliin ang paghuhugas ng kamay, pagsusuot ng Face Masks at panatilihing gawin ang Social o Physical Distancing upang dina kumalat pa ang pandemyang ating kinakaharap.
Maraming Salamat Po.

Post a Comment

0 Comments