Ang Lokal na Pamahalaan ng Agoncillo sa pangunguna po ng ating butihin at minamahal na Punong Bayan, KGG. Atty. CINDERELLA VALENTON-REYES, Pangalawang Punong Bayan, KGG. Atty. DANIEL D. REYES kasama ang mga Miyembro ng Sangguniang Bayan at lahat ng mga Kawani sa pamamagitan po ng ating Municipal Sports Coordinator, Engr. Serafin L. Enriquez ay malugod na bumabati sa angking husay, tapang at galing ni EZEKIEL S. GARCIA, 8 taong gulang, nakatira sa Brgy. Sto. Tomas, Agoncillo, Batangas, Grade 2 at kasalukuyang nagaaral sa Agoncillo Central School, panganay na anak nina G. Roxil A. Garcia at Gng. Essie S. Garcia na kung saan siya po ay nagwagi sa iba't-ibang kategorya ng Invitational Mini Motocross Race 2022.
Makikita po sa baba ang mga napagtagumpayan niyang kumpetisyon
General Nakar, Quezon Province, 1nd-Runner Up 50cc Category
General Nakar, Quezon Province, JMS Exclusive C 4th Runner Up
ALA EH AMX Rosario, Batangas, 2nd Placer 65cc Category
ALA EH AMX, Rosario, Batangas 2nd Placer 50cc Category
ALA EH AMX, Rosario, Batangas 5th Placer 85cc Category
Silang, Cavite Series Round 4
Round 1, 2nd Placer 50cc Category
Round 2, 6th Placer 50cc Category
Round 3, 5th Placer 50cc Category
Round 4, 4th Placer 50cc Category
Over All Champion, 2nd Placer 50cc Category
At ang kanya pong pinaghahandaan ay ang susunod po niyang laban sa imbitasyon po ni Congressman, Kgg. Edward S. Hagedorn Invitational Mini Motocross Race 2022 na gaganapin sa Aborlan, Palawan sa Ika-17 at 18 ng Disyembre, 2022
Di matatawaran ang husay at galing ng mga Kabataang Agoncillian sa iba't-ibang larangan, isang halimbawa itong si Ezekiel na sa kabila ng kanyang murang edad ay marami na siyang napatunayan at napapagwagiang mga laban kaya marapat po lamang na atin siyang ipagmalaki at suportahan.
H-ealth
E-ducation
A-griculture
T-ourism
S-ports
0 Comments