PARA PO SA KAALAMAN NG LAHAT: Ika-15 ng Hunyo, 2022
Base po sa isinagawang pagsusuri sa ating 17 Water Pumping Stations ng ating mga eksperto sa pangunguna ni G. Dave Gabriel Cadungog ng Philippine Nuclear Research Institute (PNRI) katuwang sina G. John Francis Bilog, PAMB-DENR, at Gng. Emmylou C. De Chavez, Agoncillo Rural Health Unit Sanitary Inspector na isinagawa ngayong Ika-14 at 15 ng Hunyo, 2022 ay may 7 (FAILED) pong Stations na nag Positibo sa Arsenic habang 10 (PASSED) Stations naman ang nag Negatibo.
Bilang pag- iingat po at para na rin po sa kaligtasan ng lahat, pinapayuhan po ng ating Lokal na Pamahalaan ng Agoncillo ang publiko na HUWAG MUNANG INUMIN at HUWAG GAMITIN SA PAGLULUTO (habang ito po ay positibo pa) ang tubig sa mga lugar na sakop at malapit sa nag positibo sa Arsenic.
Ang pamunuan po ng ating Pamahalang Bayan partikular ang ating Municipal Health Office ay patuloy na nakikipag ugnayan sa mga kinauukulan at sa pamunuan ng mga Water District dito sa ating bayan upang gumawa ng mga hakbang na makakatulong upang masolusyunan ang krisis na ating nararanasan.
Nakatakda pong muling suriin ang mga tubig sa Water Pumping Stations dito sa ating bayan sa susunod na buwan upang patuloy na ma-monitor ang kalagayan at kalidad ng ating tubig.
Maraming Salamat Po.
0 Comments